Ang Sakit, Ang Sakit-Sakit Na: The Valentine’s Day Sugarfree Playlist

Music plays a large role in love. Remember that scene in One More Chance where exes Popoy and Basha are stopped at a red light and a jeep pulls up next to them with speakers blaring out, “Nanghihinayang~ Nanghihinayang ang puso ko~!”? In real life, it isn’t quite as dramatic or as provident as that, though there are times when you kind of wish it worked like it did in the movies.

Now, bands like the Beatles and the Eraserheads have such extensive discographies that they have a song for every possible thing that could happen to you. Sugarfree, I’ve realized recently, seem to have condensed a boy-meets-girl-and-disaster-happensstory in four albums. To check this theory, I listened to their songs and have made myself inadvertently miserable for the last four days. I can’t help it. It doesn’t matter if I’m not single, it doesn’t matter if I’m perfectly happy, and it doesn’t matter if I’m emotionally stable (I am, really, at least some of the time). It doesn’t matter. Sugarfree has collected all of your heartbreaks and distilled the mix into a misery concentrate.
This misery concentrate contains every heartrending experience you’ve ever had, from that time your crush called you dude to the night you once considered the end of the universe.
Part 1 – Hamsolonely, Ligawan, at General Landian Phase
Kailan Ka Ba – Sino? Nasan? Kailan ka ba, darating at ako ay sagipin sa mundong malupit, at naiinip. Sino? Nasan? Kailan ka ba?
Remember what everybody tells you? Yung, “Darating din yan.” Syempre gusto mo silang sakalin pag naririnig mo yan. Asan ba naman kasi? ASAN?
Kwentuhan – Kwentuhan lang, wala namang masama. Usap lang, ibaon mo na sa limot ang lungkot.
Uuuy. Dito madalas nag-uumpisa ang lahat. They seem relatively harmless, those talks about nothing and everything that go into the night and extend into the early morning. Exercise caution though, since this can branch out into the dreaded Friend Zone. That’s like the Twilight Zone, except for some people it’s much, much worse.
Telepono – Natatandaan mo ba kagabi, apat na oras tayong nagbabad sa telepono. Inabutan na tayo ng umaga no’n, ngunit bakit ngayon, malamig ka bigla. Magdamag na sa tabi mo, wala man lang “hello.”
Angyare, ate? Kuya? Tinamaan ka lang ba ng katorpehan? Hingang malalim, in out. Ayan, okay na?
Feels Like – Just when I’ve given up on this game they call love, oh something about it tells me, life will never be the same again.
Ohohoho. Ayan na nga. Nahulog ka na sa patibong! Sarap ng kilig no?
Hari ng Sablay – Ako ang hari ng sablay, ako ang hari ng sablay.
Babala: Nakakatanga talaga ang pag-ibig. Wag na tayong maglokohan. Okay lang yan.
Prom – Ito nang gabing di malilimutan, dahan-dahan tayong nagtinginan. Parang atin ang gabi, para bang wala tayong katabi, at tayo’y sumayaw, na para bang di na tayo bibitaw.
Ayan na ang mga simtomas: malalagkit na mga tingin at pang-oOP sa lahat ng kasama nyo.
Ikaw Pala – Ikaw pala, ang aking hinahanap-hanap.
Andyan ka lang pala, bakit di ka nagsasalita? Kanina ka pa? San ka galing?
Part 2 – Sorry na nga kasi. Sige na. Please? Putangina naman Bash, ganyan ka ba katigas? (also, the Catastrophic Failure, the Relationship Collapsing Upon Itself, and Wawa Semplang Phase)
Heto Na Naman Tayo – Heto na naman tayo. Ano ang ating gagawin, pag sinabi na ng damdamin, di sapat ang pag-ibig? Upang buhayin at paikutin ang ating mundo. Ilang sugat pa bago sumuko? Ilan pa ba bago tayo gumuho.
Araykupo jusko. Ansakeeet. Here’s when you realize that somebody needs to go fucking invent a pain pill for heartbreak.
Martir – At kahit na ilang ulit mo pa akong saktan, basta’t sa susunod di mo na ako iiwan.
This is usually ill-advised, but if you can’t help it, why not? “Balikan mo lang ako di na ako magyoyosi/iinom/maliligo! Gagawin ko kahit anong gusto mo! Sige na.” 🙁
Limbo – Nasan na ang umaga, matagal na akong naghihintay wala pa siya. Di kaya na traffic o nasiraan, baka naman, nalimutan na niya.
Ay, eto madalas mas mahirap kesa sa Friend Zone. In Limbo, you don’t know what your status is exactly. And no, you can’t ask for an update.
Tummy Ache – And every time we come together, we watch and we discover that we can’t be together.
Ayun. Deads. You’re two parallel lines that extend on the same plane, but never meet.
Wala – Wala nang Lotlot sa iyong Monching. Wala nang Romnick sa aking Sheryl. Wala nang Gabby sa ating Shawie. Wala nang love sa ating team. Oh, meron pa ba?
Anong gagawin mo kung wala nang love ang inyong team?
Pagkatapos ng Lahat – San na napunta, san na napunta? San na napunta, san na napunta? Ibalik ang kahapon, ibalik ang kahapon, ibalik ang kahapon, bago maging huli ang lahat.
So san nga ba napunta? Magandang tanong yan actually.
Huling Gabi – Kapansin-pansin ang iyong ganda ngayong gabi at ang lungkot sa iyong mga ngiti. Ang kisplap sa iyong mga mata’y wala na, kita sa ‘yong tinging nagsasabing, “Tapos na ang lahat sa atin.”
*Sniff, sniff* Engeng tisyu, pesteng Sugarfree to.
Unang Araw – Wag mo akong sisihin, kung minsan ako’y iyakin, ito ang unang araw na wala ka na. Ito ang unang araw na wala ka na. Nasanay lang sigurong nand’yan ka, di ko inakalang pwede kang mawala. Yan na nga.
Eto na. Ito ang madalas kong tinatawag na “Next Day, Wasak.”
Dramachine – Ayaw na nyang bumangon sa kama lang maghapon, mukha nya’y parang langit na malapit ng umambon. Ayaw na nyang manalig sa tunay na pag-ibig, bakit daw ba kay bilis mawala ng kilig.
If we were discussing the stages of grief, this would fall under Depression.
Insomya – Nananabik, na muling dalawin ng antok. Nananabik, na muling tawagin ng hilik. Di ko alam kung ba’t ako, nagkaganito, di ko alam kung ba’t ako, nagkaganito.
Remember that time? Yung di ka makatulog sa kilig, daig mo pa ang call center agent sa pagpupuyat? Well, ngayon lungkot naman ang ayaw magpatulog sa ‘yo.
Hang Over – Mahirap bumangon, anong nangyari kahapon, pano umabot dito, kumikirot ang ulo at puso.
So uminom ka, pampatulog lang naman, di naman madami.
Get Over It – Sleeping in her clothes won’t bring her back, erase the past. I tell you, this one’s real.
Ayan na, nag-iintervention na ang mga kaibigan mo. Wag kang magagalit, nag-aalala lang sila sa pagche-chainsmoke at pag-inom mo araw-araw. Naghihinagpis na ang atay at balunbalunan mo, baka magstrike sila’t maubusan ka na ng lamang-loob. Plus, hindi masayang magbasa ng emo status messages mo sa Facebook.
Part 3 – “Sana tayo na lang, sana tayo na lang ulit” Phase
Kung Ayaw Mo Na Sakin – Kung ayaw mo na ako, leche, lalong ayoko sa ‘yo. Alam mo naman kung saan ang bahay ko, baka sakaling magbago ang isip mo please.
Ayaw mo na ba talaga? As in talagang talagang talaga? Andito pa yung jacket mo sa kwarto ko, di mo ba kukunin? Hello?
Patawad – Ako’y patawarin, di sinasadya, na ikaw’y mapaluha.
Sorry na please, I’ll do anything balikan mo lang ako. Pasensya ka na may pagkatanga lang talaga ako paminsan-minsan. :’(
Wag Ka Nang Umiyak – Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin, kapit ka sa akin. Di kita bibitawan.
Tulog Na – Tulog na mahal ko, nandito lang akong bahala sa iyo. Sige na tulog na muna.
Sinta – Pano kung ligaya ko’y bigla na lang mawala? At sabi mo malayo pang bukas, tapos na ang kahapon. Ang mahalaga’y ngayon, nandito ka ngayon.
Wala Nang Hihilingin – Kung gabi matulog ka sa ‘king tabi, di mo lang alam, dala mo’y ligaya. Kung marinig mo ang tibok ng aking puso, sinasabing habang ika’y kapiling, wala na akong hihilingin.
And that’s that. Sometimes it’s a happy ending. Sometimes, it’s not. Either way, di bagay sayo ang emo. Happy Valentine’s Day.